Pasensya na sa Title na Ginamit. Masakit? maanghang at kung  isa ka sa makaka basa nito. talaga namang nakaka pikon diba?

Bweno. Pag usapan natin ang Dalawang bagay sa Article na ito.
Una. ang Kalagayan ng Mga Pinoy 
Pangalawa: Ang Dahilan sa Pag suporta ng mas nakakarami kay Francis Leo Marcos

Wala tayo layuning manira o mang insulto ng pag katao sa bahaging ito,  Tulad ng Ginawa ng isang Vlogger na nasa Video

bagkus, gusto nating tumbukin ang isang bagay na  pwede nating pag nilayan at pag isipan. baka sakaling may tamaan.

Hindi na bago sa ating mga Pilipino na mag karoon ng bagong idolo. lalo pa at tayo naman ay napaka sentimental pagdating sa mga bagay bagay, anumang pag kakataon at kahit na sino pa man ang may dala nito , madali tayong nahahaplos. lalo na kung pag uusapan ang kahirapan at kasalatan ng nakakarami sa ating bansa.

Kaya naman kung may dumating man na Grasya, o tulong. hindi na tayo nag aatubiling tanggapin ito. para lang makadagdag at maka sapat sa kulang na kulang na nating pangangailagan. idagdag mo na ang tumataas na presyo ng bilihin. kawalan ng trabaho, patuloy na pag hihirap , Mga kalamidad at epidemya na lalong mas nagpapa liit  na tsansa para sa mga mamayang nasa laylayan ng lipunan

Kaya naman ang pagdating Ni Francis Leo Marcos sa buhay ng mga Pilipino. ay isang malaking Biyaya. at ipinag papa salamat ito ng isang karaniwang Juan Dela Cruz  na sana ay dumami pa ang mga katulad ni Francis Leo Marcos na may pusong matulungin.

Marami ang kumukwestiyon sa kanyang character,  may bahid daw  ang pag katao. isang manloloko. scammer.  at nag papanggap. patunay na lamang nito ang pag gamit nya sa Apelyidong Marcos, na hindi naman daw nya ito tunay na apelyido

Dumami ang usap usapan. mapa Youtube mapa twitter. at Facebook. talaga namang . pinag usapan siya. kabi kabilaan na din ang bangayan. at debate. mga teorya mga pasabog. lihim at kung ano ano ng article at youtube Videos . Nadamay na ang mga nananahimik na mga tao. nakalkal ang mga baho. at mga naka lipas. at masaklap. lumutang ang tunay na kulay ng iba na nating kababayan.
sa ngalan ng politika. at pera, handa ng maki pag sabwatan. makipag siraan at mag labas ng kung ano ano ng balita.

Hanggang sa mga oras na ito, patuloy pa din ang eksena. kung mapapadpad ka lang sa youtube. makikita mo na talaga dito ang larawan ng nakaka awa nating  moralidad at kultura.

Kaya naman naisipan nating  mag labas ng isang article na may sarkastikong Pamagat, 
''MGA BOBONG SUPPORTERS NI FRANCIS LEO MARCOS: BASAHIN NYO TO''

at aaminin ko na isa ako sa mga bobong supporters ni Francis Leo Marcos!
isa ako sa Milyong Milyong Pilipino  na handang mag pa ka BOBO para lang mapunan ang aking kumakalam na sikmura,

kayo na ang MATATALINO at walang  Bahid ng pagkatao. palibhasa kasi. ma pepera at may pambili kayo ng pagkain sa panahon ng Krisis.  di gaya namin. sardinas lang ang kaya at tutong na kanin busog na.

Para sa isang simpleng tao, na kailangan na lang simplehan din ang kasiyahan. mababaw lang kasi kaming mahihirap. kaya mababaw lang ang aming kaligayahan

Kung ang aking pagiging BOBO na lang ang paraan para maka kain kahit papano. maka ligtas sa isang araw na pag kalam. ayos lang. maitawid lang  pansamantala ang humahapding  kahirapan kahit kapalit na nito ay ang hindi  ligtas  na mga mata ng  mga mapanuri  at pang insulto , pagyurak ng mga mayayaman at matatalino

OO isa ako sa bobong SUPPORTERS ni Francis Leo Marcos:  Ok lang sabihin mo yan! hindi mo kasi alam ang nararamdaman namin,DAHIL  WALA KANG NAMANG ALAM. 

Pagod na pagod na kami sa mga matatalinong Tao na wala namang nagawa para kami ay i ahon sa sitwasyong mala kumunoy na puma patay sa amin,araw araw. 


Eh ano ngayon kung BOBO ako?
Ang Pinaka masakit na bahagi ng aming pag katao na maari mong kutyahin ay ang pag pili namin sa bahaging ito. tinanggap at hinayaan na lang namin na sabihin mo ito
Dahil wala naman kaming magawa para ipag tanggol namin ang aming mga sarili, 
mayaman ka kasi.  naka bihis.  at walang pino problema sa mga bayarin at pang araw araw na gastusin sa mundo.

Sa tingin mo ba? Ginusto namin ang kalagayang ito?
sabihin mo nga sa min.. kung magiging Matalino  ba kami ngayon. mabibigyan mo ba kami ng isang kilong bigas? mapupunan mo ba ang pag kukulangan ng mga supot na Politiko?
Makakapag ligtas ba ng gutom na Tiyan ang iyong Katalinuhan ? 

Wag mo kami ikulong sa kwaderno ng iyong ideyolohiya na pang matalino
wag mo dalhin ang Prinsipyo ng iyong Politika at paniniwala sa tulad namin
dahil mababa lang ang aming pinag aralan.  baka hindi ka namin maintindihan. 

Bakit di mo subukang bumaba sa lebel namin?
sa uri ng utak namin na kaya lang mag proseso ng simple
Ang Naintindihan ko lang kasi ngayon - Kapag hindi ko tinanggap ang Bigas ni LEO. magugutom ang mga anak ko.

Masakit masabihan na BOBO.  oo dahil ito ay katumbas ng aming pag katao.
Pinili na naming mag pa ka BOBO.  dahil wala naman na kaming makapitan
Katulad ng Birheng babae na napilitang ibenta na ang katawan para lang ma iligtas ang ama sa karamdaman - Isang Larawan ng BOBO na piniling Ibenta ang Puri para ang problema ay masolusyunan

Ikaw na matalinong nag babasa nito.  
Kung hindi ko maisasampal sa mukha mo ang article na ito. at  hindi ko maiparating ang isang  malinaw na mensahe.

Na mas mabuti ng matawag na BOBO kesa naman matalino na mangmang at walang pakiramdam sa
pangangailangan ng kanyang  lipunan . nag papaka manhid at hindi nakikita ang pag hihirap ng kanyang kababayan.

Nakakaawa tignan ang bansang ito. kasama ang milyon milyong mga BOBONG katulad ko.

kung sana lang. nasabihan kami na may pag asa pa,
na may  darating pang ginhawa at pag kakataon

Masarap din naman sanang maging MATALINO
katulad nyo..

kaso hindi ganun eh!
Imbes na Isang katulad mo na lang sana ang naka unawa sa kalagayan namin,
lalo mo pang ibinaba ang kalagayan namin. mas lalo mong ipinaramdam ang agwat natin,
na BOBO ako MATALINO Ka! 

SA susunod na sabihan mo kaming BOBO. sana ay maalala mo ang mga panahong katulad nito
Na Tinawid namin ang Landas sa pagitan ng Moralidad at Praktikalidad  para balansehin ang kumakalam naming mundo. Dahil kung hindi sa pagiging ugali naming BOBO
Baka Kumapit kami sa Ibang Lebel na Pang Matalino.HIndi mo kayanin,
Magising ka. Wala ka na sa higaan mo. ini inom na namin ang dugo  ng angkan mo. at ini ihaw ang atay ng magulang mo.

Kaya hindi na umunlad ang bansang ito.dahil sa katulad mong matalino. imbes na gamitin ang Utak sa pag tulong. mas ginustong mang lait at manuya ng tao.

Napaka perpekto mo naman. hiyang hiya naman kami sayo.  Ikaw na  nasa Video. kayong mga mapang husga. Ito ang sagot namin sayo. 

Mabuti pa ang BoBo na may Puso. kesa Sa Matalinong Utak lang ang ginagamit para maging Tao. Parehong tayong dahon na malalagas at babagsak .Magigiging Abo at pataba ng lupa. 
Ang aking Kabobohan ay dadalhin kong ambag at ituturing kong pag ibig sa aking pamilya at bayan. Sana lang ang iyong katalinuhan wag mong gamitin para maka sakit ka at mang api ng iyong kababayan.


Previous Post Next Post