Sa isang barangay SA TONDO Maynila  
May isang Barangay Kapitan na 29 ang Pangalan ng Taong nasa Listahan . para maging Beneficiaries nito sa Relief Good na pina mumudmod ng Gobyerno,
Sa ulat, Nag rason  si Punong Barangay sa 251 Chairman Reynaldo Angat matapos itong kwestyunin at ipatawag ng Manila City Hall dahil sa sobrang dami ng mga pangalan para sa kanilang bahay.

Ang Palusot ni Chairman  Angat, sa kanilang bahay umano pare parehong  nakatira ang kanyang mga kamag-anak, at kanyang mga tauhan niya pati na rin ang ilang  mga drivers ng taxi.
Dagdag nito na lahat naman daw ay may karapatan at  entitled na tumanggap ng relief goods na galing  sa pamahalaan , pero  ayon sa ulat  ay ang iba sa mga  nilistang pangalan ni Chairman Angat ay magkaka relatives o magkaka pamilya at dapat ay tig-isang pamilya lang ang mga relief good Food Pakcs.


“Ayon sa Report Apat doon na pangalan considered na isang Pamilya lang dapat, Kasama dito yung lolo, lola, pati yung kanilang mga  apo. pero  isinama pa din  niya sa makikinabang ng relief goods ,” 

ayon Report ni Police Major Rizalino Ibay.
Ang mga Tao sa nasasakupan nyang Barangay ay Inireklamo din ang kapitan dahil pinipili lang daw   nito ang mga binigyan ng relief good food packs sa kanyang nasasakupang barangay.

Ito din ay kasunod nang natanggap na reklamo patungkol sa mga kuwestiyonableng pangalan o residente ng barangay na inihanda ni Chairman Angat na pinagbatayan sa pamamahagi ng food packs.(Food Subsidy)

Dahil sa balitang ito. tinitingnan na ang mga awtoridad kung  pwedeng ireklamo kay Angat, kasama na dito ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Code of Conduct for Public Officials, at Bayanihan to Heal as One Act.
Previous Post Next Post